Gawang-kamay
Isang mahusay na mananahi ang aking lola na tinatawag kong Munna. Nireregaluhan niya ako ng mga tinahi niya tulad ng damit at kumot sa bawat mahahalagang pangyayari sa buhay ko tulad ng graduation at kasal ko. Binuburdahan niya ito ng, “Gawang Kamay ni Munna para sa’yo.” Ramdam ko sa bawat ibinibigay ng lola ko ang pagmamahal niya at naniniwala siya na…
Palitan ang Kalungkutan
Noong 2013, nagkaroon ng breast cancer si Kim. Nang matapos ang kanyang gamutan, nalaman naman niya na may kanser siya sa baga at 3-5 taon na lang daw ang itatagal niya. Lubos niya itong dinamdam noong unang taon. Nagdalamhati siya at laging umiiyak sa Dios. Pero noong makilala ko si Kim, malaki na ang ipinagbago niya. Isinuko niya na sa Dios…
Malaking Impluwensiya
Mahaba ang pangalan ng lola kong si Madeline Harriet Orr Jackson Williams pero mas mahaba ang kanyang buhay. Nabuhay siya ng 101 taon at dalawang beses siyang nabiyuda. Momma ang tawag namin sa kanya. Tumira kami ng mga kapatid ko sa kanya kaya kilalang-kilala namin siya. Malapit siya sa Dios at naging malaki ang impluwensiya ng kanyang pananampalataya sa aming magkakapatid.…
Magalak
“Gawin mong maganda ang araw na ito!” Ito ang maririnig sa voicemail ng kaibigan ko. Habang pinag-iisipan ko ang mga sinabi niyang iyon, napagtanto ko na hindi ko kayang kontrolin ang mga pangyayari para maging maganda ang aking araw. May mga pangyayari kasi na talaga namang nakakalungkot. Pero anuman ang ating sitwasyon, may makikita pa rin tayong dahilan para maging maganda…
Maging Matapang
Noong panahon ni Hitler, maraming mga pinuno ng simbahan ang napapasunod niya dahil sa takot. May mga matatapang naman na hindi nagpasindak kay Hitler. Isa na rito si Pastor Martin Niemöller. Noong panahon ng mga 1970, napagkamalan na mas bata si Pastor Martin kumpara sa mga kasama niyang mga pastor kahit 80 taong gulang na siya. Hindi siya masyadong tumanda dahil…